Filipino bilang Wikang Panturo

Sign Now
petition image
MANINDIGAN PARA SA FILIPINO BILANG WIKANG PANTURO


Mahalaga ang naging papel ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) sa pagpapatibay ng Konstitusyon sa wikang Filipino bilang wikang pambansa at wikang panturo.

Bilang pagsasabuhay sa isinasaad ng Konstitusyon, pinagtibay ng Lupon ng mga Rehente ang UP PATAKARANG PANGWIKA simula noong Mayo 29, 1989.

Sa pamamagitan ng patakaran sa wika ng UP :

1. Pinayabong ang akademikong disiplina ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas mula antas di-gradwado hanggang gradwado;
2. Pinasigla ang intelektuwalisasyon sa Filipino sa pamamagitan ng mga saliksik at publikasyon;
3. Itinatag ang Sentro ng Wikang Filipino (SWF) na nagtataguyod ng pananaliksik sa wika, pagsasalin at paglalathala ng orihinal na materyales sa iba't ibang disiplina na nakasulat sa wikang Filipino;
4. Nagdaos ng mga seminar, kumperensiya at fora na nagtatasa sa antas ng paggamit ng wikang Filipino; at
5. Nanguna ang Unibersidad sa mga kilusan sa wika gaya ng Pambansang Samahan sa Wika (PSW), Kaguro sa Filipino, LEDCO, at SANGFIL.

Nawawalan ng halaga ang mga inisyatiba at tagumpay ng UP sa paggamit ng Filipino dahil sa salungat na patakaran ng Administrasyong Arroyo. Napipigil ang pagsulong ng wikang Filipino bilang panturo dahil sa Executive Order 210, pahayag ni Kalihim Jeslie Lapus ng Dep. Ed., HB 4701, at mga panukala ng ibang ahensiyang panggobyerno.

Tahasang lumalabag ang mga ito sa itinatakda ng Konstitusyong 1987, Artikulo XIV, Seksiyon 6 :"Dapat magsagawa ng hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon."

Hinihingi ng pangyayaring ito na muli tayong manindigan at manguna sa pagtataguyod ng Filipino bilang wikang panturo sa pamamagitan ng :

1. Aktibong paglahok sa pagpapairal ng Patakarang Pangwika ng Sistemang UP;
2. Agarang pagpupulong ng Konseho ng Wikang Filipino na binubuo ng mga direktor ng SWF at mga tagapangulo ng mga departamento ng Filipino sa Sistemang UP upang bumuo ng programa ng pagkilos;
3. Paninindigan ng University Council ng ibat ibang kampus sa Sistemang UP hinggil sa usapin ng wikang Panturo; at
4. Pagtipon ng lakas sa loob at labas ng UP upang ganyakin ang mga humahawak ng kapangyarihan na magtataguyod sa wikang Filipino.


MANINDIGAN PARA SA FILIPINO BILANG WIKANG PANTURO


MGA ADMINISTRADOR, KAGURUAN, ESTUDYANTE, AT KAWANI NG UP
Sign The Petition
OR

If you already have an account please sign in, otherwise register an account for free then sign the petition filling the fields below.
Email and password will be your account data, you will be able to sign other petitions after logging in.

Privacy in the search engines? You can use a nickname:

Attention, the email address you supply must be valid in order to validate the signature, otherwise it will be deleted.

I confirm registration and I agree to Usage and Limitations of Services
I confirm that I have read the Privacy Policy
I agree to the Personal Data Processing
Shoutbox
Sign The Petition
OR

If you already have an account please sign in

I confirm registration and I agree to Usage and Limitations of Services
I confirm that I have read the Privacy Policy
I agree to the Personal Data Processing
Goal
150 signatures
Goal: 100
Latest Signatures
25 December 2015
150. Mark A | I support this petition
25 December 2015
149. Obie O | I support this petition
23 December 2015
148. Andrea Claricec | I support this petition
22 December 2015
147. Maricon F | -
20 December 2015
146. Johannah R | I support this petition
19 December 2015
145. Eilene Gn | I support this petition
7 December 2015
144. Mary Annss | DAPAT LANG
18 November 2015
143. Agnes Lara | I support this petition
16 November 2015
142. Erwin Ss | I support this petition
29 October 2015
141. Candice Annelr | Isa ito sa mga hakbang tungo sa pagkatuto ng kabataan na mahalin ang sariling bayan!
29 October 2015
140. Ma Gretchenvs | I support this petition
26 October 2015
139. Schedar Dj | isulong ang wikang Filipino
20 October 2015
138. Sarah Singleton | I support this petition
20 October 2015
137. Pamela B | Importante ang pagkakaroon ng isang wikang magbubuklod sa ating lahat.
18 October 2015
136. Ederic Pe | I support this petition
14 October 2015
135. Unicel Calhoun | napakahirap, ngunit kung tayo'y matiyaga, kakayanin natin ito.!
29 September 2015
134. Adam D | I support this petition
24 September 2015
133. Daryl Av | I support this petition
16 September 2015
132. Jireh M | I support this petition
12 August 2015
131. Iris P | I support this petition
28 July 2015
130. Jennifer Bj | I support this petition
24 July 2015
129. Om Narayanav | isulong ang Filipino!
27 June 2015
128. Mary K | dapat gamitin ang filipino!!!!!!
5 June 2015
127. Dadine Kristineannv | I support this petition
16 April 2015
126. Marc Louiep | I support this petition
browse all the signatures »
Information
In: -
Petition target:
Tags
No tags
Embed Codes
direct link
link for html
link for forum without title
link for forum with title
728×90
468×60
336×280
125×125