No to Zero-based Grading System in Adamson University
Sign Now
1. Ito ay dagdag na kita sa administrasyon ng Adamson University, maliban pa sa tuluy-tuloy na pagtataas ng matrikula (9\% na pagtaas ng matrikula ngayong taon). Taliwas ito sa bisyon ng ating paaralan na magbigay ng de kalidad edukasyon sa mababang halaga (quality education for the socially disadvantaged).
2. Dagdag pahirap sa estudyante dahil bukod sa mataas na bayarin na ibubunga nito, dadagdagan nito ang dating kaayusan na may prelims, midterms at finals ay magkakaroon pa ng pre-finals. Mag-aaral at guro ang siyang mahihirapan.
3. Walang naganap na demokratikong konsultasyon sa pagitan ng estudyante, guro, magulang at mga kinatawan ng administrasyon bago ipatupad ang bagong polisiya.
4. Lubhang napakataas ng istandard (70\% passing rate) na gustong ipataw ng unibersidad samantalang kahit ang mga eskwelahang sinasabi nilang may kaparehong grading system gaya ng FEU, UP maging ang Harvard University ay umaabot lamang ng 50\% - 60\% ang passing rate.
5. Ang problema sa edukasyon ay problema sa sistemang umiiral sa ngayon, mula sa pagbibigay ng gobyerno hanggang sa pagnanais ng mga private schools na kumamal ng malaking kita mula sa negosyong edukasyon. Hindi ito kayang lutasin bagkus ay palulubhain pa nito ang dati nang bangkaroteng edukasyon sa ating paaralan.
Kaya mga classmate, hindi pa huli ang lahat. Tayo ang pangunahing mapagpasya sa usapin na ito. Tumindig at kumilos! Sama-sama nating tutulan ang zero-based grading system. IGIIT ANG KONSULTASYON SA PAGITAN NG MGA ESTUDYANTE AT NG ADMINISTRASYON! NO TO ZERO-BASED GRADING SYSTEM! NO TO TUITION FEE INCREASE!
NO TO ZERO BASED GRADING SYSTEM MOVEMENT // Anakbayan Adamson University
// Kabataan Partylist Adamson University
If you already have an account please sign in, otherwise register an account for free then sign the petition filling the fields below.
Email and password will be your account data, you will be able to sign other petitions after logging in.
Continue with Google