para protektahan ang pondo ng mga manggagawa sa SSS, GSIS, OWWA
Sign Now
Kami, mga manggagawa sa pribado at pampublikong sektor, sa loob at labas ng bansa, ay mariing tumututol sa paggamit pondo ng SSS, GSIS, OWWA, at iba pang pinaglagakan namin ng perang pinagtrabahuan namin, para sa mga kahina-hinalang proyekto ng gubyernong Arroyo. Nagpahayag si SSS President Romulo Neri kamakailan na maglalaan siya ng P12.5 bilyong sobrang pondo umano ng SSS para sa economic stimulus fund daw ng pamahalaan.
Naninindigan kaming ang mga pondong hinahawakan ng mga nasabing ahensya ay pribadong pondong hindi maaaring basta na lamang galawin ng gubyerno. Pera namin iyon at hinding-hindi namin hahayaang mapakialaman lalo na ng isang kilalang kurap na administrasyon.
Naniniwala kaming kung may sobrang pondo mang nalilikom sa SSS o iba pang katulad na ahensya, ito ay dapat lamang mapunta sa mga benepisyong direktang mararamdaman namin na mga miyembro nito. Maaaring itong gamitin para dagdagan ang halaga ng ibat ibang porma ng benepisyo sa SSS tulad ng retirement fund, accident insurance, maternity leave, o kayay pantulong sa paparaming bilang ng natatangal sa trabaho ngayon.
Nakikita rin naming lubhang kaduda-duda ang sinasabing stimulus fund ng gubyernong Arroyo na para umano sa pag-ibsan sa krisis pang-ekonomiya. Hindi ganap na malinaw kung sinu-sino ang mamahala sa pondong ito, o kung saan-saan ito mapupunta. Malaki rin ang batayan para magamit lamang ang nasabing pondo para sa pansariling interes ng mga nasa kapangyarihan, sapagkat nalalapit na ang pagtatapos ng kanilang termino.
Nananawagan kaming bawiin ni Romulo Neri ang alok niyang ibigay ang P12.5 bilyong pondo ng SSS para sa kahina-hinalang proyekto ng gubyerno, at binabalaan namin ang GSIS, OWWA, at iba pang katulad na ahensya na huwag nang maglabas ng anumang pondo para sa kung anu-anong huwad na programa na hindi naman pakikinabangan naming mga miyembro at nag-iimpok ng pera dito.
Nilagdaan,
If you already have an account please sign in, otherwise register an account for free then sign the petition filling the fields below.
Email and password will be your account data, you will be able to sign other petitions after logging in.
Continue with Google